Panatang Makapalay
“Bilang isang mamamayang Pilipino,
Nakikiisa ako sa panatang huwag magsayang ng kanin o bigas.
Magsasaing ako ng sapat lamang,
at sisiguraduhing tama ang pagkaluto nito.
Kukuha ako ng kaya kong ubusin
Upang sa aking pinggan ay walang matirang kanin.
Ganun din ang aking gagawin kung may handaan
O kung sa laban kakain.
Ang brown rice o pinawa ay susubukan kong kainin,
Pati na ang ibang pagkain bukod sa kanin
Tulad ng mais, kamote at saging.
Ituturo ko sa iba ang responsableng pagkukunsumo
nang mabigyang halaga ang pagod ng magsasaka,
at nang makatulong na maging sapat
ang bigas sa Pilipinas.
Aking isapuso ang panatang ito
dahil sa bawat butil ng bigas o kanin na aking matitipid
ay may buhay na masasagip.”
0 nagger:
Post a Comment
If you have questions and other inquiries feel free to comment below.