Print Friendly and PDF
Home » , » Wika Natin ang Daang Matuwid Buwan ng Wikang Pambansa 2013

Wika Natin ang Daang Matuwid Buwan ng Wikang Pambansa 2013

Written By kusina101 on Wednesday, August 7, 2013 | Wednesday, August 07, 2013


The Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) and the Department of Education (DepED) will spearhead the celebration of the “Buwan ng Wikang Pambansa” this coming August 2013.

Buwan ng Wikang Pambansa aims to fulfill the following:
1. To fully implement Presidential Decree No. 1041, s. 1997
2. Encourage the different government agencies and the private sector to join programs as such that increases the language and civic awareness.
3. Motivate the Filipino people to value the Filipino language by being part of the activities in relation to Buwan ng Wikang Pambansa.

The theme of the Buwan ng Wikang Pambansa 2013 is “Wika Natin ang Daang Matuwid.” It is celebrated from August 1 to 31. The main theme is divided into five themes, which will serve as a guide for all the activities that will be made this month:
  1. Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan
  2. Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian
  3. Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan
  4. Ang Wika Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran
  5. Ang Wika Natin ay Wika sa Pangangalaga ng Kapaligiran
The usual activities done in school to promote cultural and civic awareness of the importance of the Filipino language are: paggawa ng islogan, pagbabalita, pagkanta ng kundiman, katutubong sayaw, patalastas, balagtasan, tagisan ng talino, and dagliang talumpati.

Labis na ikinagagalak ng mga tagapagtaguyod ng wikang Pambansa ang pagtataguyod ni Pangulong Aquino sa lalong pagpapayabong ng Wikang Filipino. Nawa’y maging halimbawa siya sa lahat na gamitin at ipagmalaki ang wikang Filipino.

Narito ang mensahe ni Pangulong Aquino para sa Buwan ng Wika na inilathala noong Agosto 1, 2013 sa Official Gazette of the Republic of the Philippines.


Nagkakaisa ang sambayanang Pilipino upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa Agosto, sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Nakapaloob ang pagkakakilanlan ng isang lahi sa kanilang wika, at nabubuhay at nagbabago ito ayon sa pangangailangan ng panahong ating ginagalawan. Sa pamamagitan ng tinig na sumasalamin sa kolektibong karanasan at kasaysayan ng ating bansa, higit pa nating napalalalim ang pagkakaisa at diwa ng bayanihan, sa sarili man nating lupain, o saan man makakatagpo ng kapwa nating Pilipino. Nawa’y maging lunsaran ang pagdiriwang na ito ng malawakang tagumpay ng ating lipunan, habang sama-sama nating tinatalunton ang tuwid na landas.

Nagsisimula nang mamunga ang ating pagsisikap; nagsimula na ang pagbawi ng ating pambansang dangal, tumitibay nang muli ang ating mga institusyon, at patuloy ang pag-arangkada ng ating ekonomiya mula  nang tayo’y nanumpang magsilbing mga huwaran ng katarungan, katotohanan, at katapatan. Sa patuloy nating pakikiisa sa ilalim ng agenda ng pagbabago, matitiyak natin na ang panahon ng liwanag at kaunlarang tinatamasa natin ngayon ay magpapatuloy, at siyang mamanahin ng susunod na salinlahi ng Pilipino.

(Sgd.) BENIGNO S. AQUINO III


0 nagger:

Post a Comment

If you have questions and other inquiries feel free to comment below.

What's Hot

csc facebook fan pagecsc twittercsc g+csc email

Useful Reviewers

Like us on Facebook
Follow us on Twitter
Recommend us on Google +
Subscribe me on RSS