Ano ang Ebola?
Ang Ebola virus ang sanhi ng nakakahawa at nakakamatay na sakit sa
tao at mga hayo tulad ng gorilla: ang Ebola Virus Disease o Ebola
Hemorrhagic Fever. Apektado sa kasalukuyan ang mga bansa sa West Africa
tulad ng Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Paano ito nakukuha?
- Sa paghipo o paghawak ng:
- Maysakit na positibo sa Ebola
- Dugo o iba pang “body fluids” mula sa maysakit. tulad ng pinagsukahan, laway, dumi, ihi, semilya
- Mga kontaminadong gamit ng maysakit tulad ng karayom, sapin ng kama, at kumot.
- Ito ay hindi nakukuha sa hangin, sa pag-ubo o pagbahin
Incubation Period:
- Ang sinumang mahawa ay magkakaroon ng sintomas pagkalipas nang 2-21 araw. Ang mga sintomas lamang ang pwedeng makapanghawa sa iba.
Paano ito ginagamot?
- Wala pang gamot o bakuna laban sa Ebola
- Mas mabuting dalhin sa ospital agad ang maysakit kung naghihinala na ito ay may Ebola
- Malaking tulong ang oral at intravenous fluids maging ang pagsalin ng dugo
- Kailangan maibukod ang may sakit upang hindi ito makahawa
Sinu-sino ang maaaring higit na maapektuhan nito?
- Ang mga naninirahan o ang mga nagsisilakbay sa mga apektadong bansa
- Ang mga kasambahay o pamilyang maysakit
- Ang mga naggaalaga ng may sakit sa bahay o ospital kasama na ang mga doktor, nars, laboratory workers at iba pa
- Kailangan ninyong ipagbigay alam sa mga airport quarantine officers gamit ang health check list kung kayo ay galing sa paglalakbay sa mga apektadong lugar lalo na kung kayo ay mayroong lagnat o iba pang sintomas.
Anu-ano ang mga sintomas ng Ebola?
- Lagnat, sakit ng ulo, labis na panghihina, masakit na kalamnan, kasu-kasuan at lalamunan
- Pagduwal, pagsusuka, pagtatae
- Pantal sa katawan, pasa o bugbog
- Pamumula ng mata
- Pagdurugo sa ilong, bibig, mata, tainga, dugo sa suka o dumi, at sa lugar ng pinagtusukan ng karayom.
- Pagkasira ng bato at atay
Paano ito maiiwasan?
- Wala pang bakuna kontra sa Ebola
- Huwag hihipo o hahawak sa pasyente ng hindi gumagamit ng gloves at iba pang uri ng rekomendadong pananggalang
- Ugaliing maghugas ng mga kamay gamit ang malinis na tubig at sabon
- Iwasang hipuin ang anumang parte ng mukha gamit ang marumi o di pa nahugasang mga kamay at daliri
Ano ang ginagawa ng DOH para maiwasan ang Ebola?
- Mahigpit na pagbabantay sa mag pasaherong dumating sa paliparan at mga daungan ng barko
- Pagsiguro na lahat ng pasahero mula sa ibang bansa ay magbibigay ng health information checklist
- Kahandaan ng mga ospital sa pangangalaga sa pasyente sakaling magkaroon ng kaso
- Matibay na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan para maiwasan ang Ebola
- Malawakang pagpapalaganap ng tamang impormasyon upang maiwasan ang sakit na ito
- Pagsasanay sa mga healthcare workers kung paano pangalagaan ang pasyente at kanilang sarili laban sa sakit na ito
Makipagugnayan sa DOH sa telepono bilang 711-1001 sa anumang katanungan.
0 nagger:
Post a Comment
If you have questions and other inquiries feel free to comment below.